Popular Posts

Saturday, April 9, 2011

How Do I Spell L O V E???


“Kung pwede lang sanang piliin ang mamahalin, sana napili ko ng husto!” yan ang linya ko ng panahon na in love na in love ako kaso hindi nag work out. 

Wala naman kasing tamang formula kapag in love. You just feel it, kesehodang sobrang tamis o sobrang anghang ang pagmamahal mo sa isang tao. Walang keber, kasi mahal mo nga.
Pero kapag napuno ka at feeling mo walang patutunguhan ang relasyon ninyo. Mapapaisip ka na lang na “Teka, bakit ang tanga tanga ko noon? Dapat hindi ko yun ginawa. Dapat ito ang ginawa ko.” 

Pero nung time na yun, hindi mo naisip yun. Give ka lang ng give, ika nga.

When you realize that it’s not worth and it’s not gonna work out, ang magiging linya mo na eh yung nasa itaas na sinabi ko “Sana nakapili ako ng husto.”

Ang hirap ma-inlove, minsan, andiyang kahit na gutom na gutom ka, hihintayin mo pa siya para lang sabay kayong kumain. O kapag kasama mo naman siya sa trabaho, kahit pagod na pagod ka na sa trabaho, andiyang tutulungan mo pa siya para lang matapos agad.

Lalo na at pag birthday niya, sangkatutak na pag iisip kung gaano ka unique ang ihahanda na hindi mo iisipin kung magkano aabutin ang gagastusin ng uniqueness na yun. Eh mahal mo eh, kung pwedeng nga lang buong income mo ng isang taon, mapunta lang sa engradeng uniqueness na yun. 

Meron pa nga akong isang kaibigan na panay ang kulit sa akin kung ok ba yun hinahanda niyang surprise sa girlfriend niya. Birthday kasi ng gf niya eh first time nilang i-cecelebrate yun as bf gf. Pinag-isipan niya talaga ng husto, ni ultimong toothpick na gagamitin ng mga inimbitahan niya, may decoration saan ka pa? Pero anong nangyari, noong naghiwalay sila, sangkaterbang “Sana hindi na lang siya”, “Sana iba na lang”, “Sana hindi ako tanga” at kung anu ano pa.

Pagkaraan ng ilang taon, nagka chat kami, tinanong ko siya. “Kumusta na, anong balita na sayo?, “Ok lang naman, eto may asawa na” ang sagot naman niya. So ganun ka pa rin ba kada birthday ng misis mo, engrande pa rin ba? Ang sagot sa akin. Isang malutong na "Hahahaha" with smiling emoticons pa ha. 

Ganun lang talaga ang buhay, tatawanan mo na lang pagkalipas ng ilang mga taon. Ang mga kahibangan o kabaliwan mo sa pag ibig. Pag nakahanap ka na ng iba, lalo na kapag nakapag asawa ka, isang alaala na lang ang lahat. 

Meron pa akong isang kaibigan. Hindi naman siya mahal nung girl, may mahal na iba. Yung mahal niyang iyun eh hindi rin naman siya ganun kamahal. Magulo ba? Ako din naguguluhan sa kinukuwento ko. Yun na nga, itong kaibigan kong ito, sobrang tinding magmahal, lahat gagawin para lang mahalin siya nung girl. In short, tanga. 

Dumating pa sa point na muntik na siyang magpakamatay kasi nga hindi siya makuhang mahalin ng taong mahal niya na iba ang mahal. Ang ending, natauhan din siya.

Kung dati ang parati niyang sinasabi sa akin “Hindi, iba ito eh. Ibang feeling ito, masyadong malalim. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko pa ito nararamdaman kahit kanino.” Tanungin nyo ako kung anong nangyari dun sa kaibigan kong iyon after 3 years. Hayun, may asawa na, pero hindi dun sa girl na may mahal na iba kundi ibang girl na. Tinanong ko siya “O, anong nangyari dun sa nararamdaman mo before?” Sabi niya, “Hehehe”. As usual parehas nung isa kong kaibigan with smiling emoticons uli.

Hindi nga ba't ang sarap pag-antugin ng dalawang kaibigan kong ito. Minsan lang daw nila naramdaman iyon pero after ilang years, iba na ang sinasabi, tinatawanan na lang ako. Consistent sila sa pagiging inconsistent ika nga.

May mga ibang kwento naman na pang MMK, yung mga tipong ‘you and me against the world’ o kaya yung mga tipong “Sana Dalawa Ang Puso Ko”. Pero siyempre mas gugustuhin ko na ang ‘you and me against the world’ kesa naman dun sa isa kasi pwede pang mabago ang word na “against” at palitan ng “agree”, yung dalawa  kasi mahirap na, baka madagdagan pa ng isa o dalawa pa uli, eh di tatlo o apat na yun.
Pero bilib din ako sa napagsasabay ang mga karelasyon, may 1, may 2, may 3 at may 4. Iisa lang pala ang sikreto doon, dapat iisa ang tawag mo sa kanila. Consistent dapat. Kung “babe” ang tawagan nyo ni Number 1, dapat applicable din yun kay 2, kay 3 at kay 4. Kung ang idinahilan mo kay Number 1 ay nag over time ka kaya di mo siya nasundo sa opisina dahil na kay Number 2 ka nga, aba eh dapat lang na ganundin ang idahilan mo kay 3 at 4 dahil kung hindi, aba at napakalaking problema nun kung sakali at kung magkabistuhan, “Patay kang bata ka”.
Hay pag-ibig! Saan ka kaya sa mga taong nabanggit? Isa ka ba doon sa mga engrandeng magregalo kapag inlove, isa ka ba sa halos baliw kapag na inlove o isa ka ba sa mga weather weather lang, kung meron eh di meron, kung wala eh di wala.
Pero iisa lang ang ibig sabihin nito. Masarap ang magmahal at masarap ang mahalin. Pagkatapos ng lahat nang napagdaanan ko sa usapin ng pag-ibig, ito ang pinakamahalagang aral na natutunan ko.  
Never place your happiness in someone else's hands, because once they're gone, so is your happiness.” 
Oo nga at masarap magmahal at masarap mahalin pero dapat nagsisimula ang kaligayahan sa sarili mo mismo, dahil kung hindi ka masaya kahit na single ka, papaano mo masasabing masaya ka kapag  may karelasyon ka na?

2 comments:

  1. pag ako nakakaramdam ng ganyan, simple lang tanong ko sa sarili ko. kaya ko bang mabuhay ng wala ka? pag oo ang sagot, goodbye. hehe. XD mahirap dibdibin ang mga ganyang bagay. lalo na kung ikaw lang ang may care. hehe.

    ReplyDelete
  2. nena dats life .. mhirap tlga mainluv.. nena all i can say is dont give everything mahalin mu muna sarili mu bago ibigay ang lahat.. :)

    ReplyDelete